Bakit Tuyong Dahon?

Isa akong nilipad na dahon na nanggaling sa isang puno, dati nitong pagmamay-ari noon ngunit hindi na ngayon dahil hinipan ako ng hangin, hindi ko kinaya ang lakas at kapangyarihan na taglay nito. Gayunpaman, ang hangin ang kasama ko magmula nang mawalay ako sa dati kong nakasanayang kapitan, wala man akong sandalan kung hindi ang aking sarili, nariyan ang hangin na dinadala ako sa iba’t ibang lugar. Kung minsan ay ihihinto ako ng matagal, kung minsan naman ay sandaling oras lamang, karamihan ay panandalian lamang. Walang panahon, sigurado ako, na ihihinto ako ng hangin sa isang lugar kung saan iiwan na ako nito doon at hindi na muling ihahatid sa iba pang lugar. Ako at ang hangin na lamang ang tanging magkasangga sa takbo ng buhay na ito, walang katapusang pag-ihip at walang katapusang pagsabay ko dito kung saan man niya ako dalhin. Pareho kaming hindi titigil maliban na lamang kung sa sobrang tagal na panahon na ang nakalipas at ako ay malanta na at tuluyan nang mawawalan ng lakas para madala pa ng ihip ng hangin, hahayaan ko na lang ito na ibang dahon naman ang tulungang dalhin sa iba’t ibang lugar at iparanas ang mga karanasang naranasan ko rin sa kanyang piling.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s